Ang bawat umaga ay isang tahimik na paalala: Hindi mo kailangang bitbitin ang bigat ng kahapon para lang patunayan na may natutunan ka. Madalas, pagkagising na pagkagising natin, agad nating binubuksan ang ating isip sa mga bitbit na pag aalala mga natitirang gawain, mga pagkakamaling hindi na mababago, at mga takot sa kung ano ang mangyayari bukas. Nakakalimutan natin na ang bawat pagsikat ng araw ay isang malinis na pahina. Ang nakaraan ay leksyon na dapat baunin, hindi pabigat na dapat pumigil sa iyong paghakbang. Hindi mo kailangang magmadali para lang makisabay sa bilis ng mundo. Ang mahalaga ay patuloy kang gumagalaw sa sarili mong bilis, pinahahalagahan ang bawat maliit na tagumpay, at nagtitiwala sa sarili mong paglalakbay. Sa araw na ito, piliin mong maging mabait sa sarili mo. Huminga nang malalim, magtimpla ng kape, at ipaalala sa iyong sarili: Sapat ka, kakayanin mo, at magiging maganda ang araw na ito. ☕✨
maulan na hapon sa ating lahat kamusta kayo?anong masarap na meryenda sa maulan ulan na panahon??
Welcome to jorpab spacestr profile!
About Me
"Just a simple soul sharing my journey. Thank you for the support and BCH tips! Always happy to read your comments and connect. Let’s grow together!
Interests
- No interests listed.