spacestr

đź”” This profile hasn't been claimed yet. If this is your Nostr profile, you can claim it.

Edit
Broken Heart
Member since: 2026-06-29
Broken Heart
Broken Heart 22d

Nice New Update: Now You Can See Exact Tip Values Right Away! While scrolling just now, I noticed this cool update on Zapped: you can now see exactly how much BCH a tip is worth at a glance both in sats/BCH and its USD equivalent. No more guessing or calculating it shows clearly: ✅  0.001176 BCH  ✅  $0.25  It’s such a simple but helpful change! Makes it easier to appreciate every tip, know exactly what you’re sending or receiving, and see the real value instantly. Have you spotted this update too? What do you think?"

#bch #bitcoincash
Broken Heart
Broken Heart 24d

May naka experience po ba sa inyo ng ganito?? Kada mag oopen ako eh ganito lumalabas?

#bch #bitcoincash
Broken Heart
Broken Heart 24d

“Pwede pa ba nating ayusin?” Yan yung tanong mo sakin matapos mong sirain lahat. Nakakatawa no? Noong ako yung umiiyak, nagmamakaawa, at pilit na inililigtas yung relasyon natin… wala kang pakialam. Pero ngayong ako na yung natahimik at unti-unting nakaalis sa sakit… Bigla mong gustong bumalik. Naalala ko pa noon kung paano kita minahal nang totoo. Ikaw yung unang taong pinaniwala kong makakasama ko habang buhay. Kahit maraming problema, kahit ilang beses tayong muntik sumuko, pinili kitang intindihin. Habang lahat napapagod na sa ugali mo, ako yung taong laging nandyan. Ako yung kakampi mo. Ako yung tahanan mo. Ako yung taong handang ayusin lahat kahit ako na yung nasisira. Pero habang mas lalo kitang minahal… Mas lalo mo akong sinaktan. Nagsimula sa pagbabago ng ugali mo. Mas naging malamig ka. Mas naging mailap. Mas naging sikreto yung cellphone mo. Kapag nagtatanong ako, ako pa yung nagiging masama. “Wala kang tiwala.” “Ang toxic mo na.” “Pagod lang ako.” Hanggang sa dumating yung araw na nakita ko mismo yung katotohanan. Hindi ko na kailangang magtanong. Kitang-kita ko kung paano ka ngumiti sa kanya… yung ngiting matagal mo nang hindi binibigay sakin. Pakiramdam ko noon, parang may humawak sa puso ko at unti-unting dinurog habang buhay pa ako. Pero kahit ganon… Hindi pa rin ako bumitaw agad. Tanga man pakinggan, pero minahal talaga kita eh. Ilang gabi akong umiiyak habang katabi ka. Ilang beses kong tinanong sarili ko kung saan ako nagkulang. Habang ikaw… masaya nang may ibang nagpapasaya sayo. Hanggang sa isang araw, napagod na rin ako. Tahimik akong nawala. Walang drama. Walang ganti. Walang sigawan. Kasi doon ko narealize na hindi mo kailangang ipaglaban yung taong paulit-ulit kang pinaparamdam na hindi ka mahalaga. Mahirap sa umpisa. Sobrang hirap. Yung tipong gigising ka na mabigat dibdib mo. Yung gusto mong ichat siya pero pinipigilan mo sarili mo. Yung kahit konting alaala, kaya kang paiyakin. Pero unti-unti… Natuto akong mabuhay nang wala ka. Natuto akong piliin sarili ko. Natuto akong ngumiti ulit. Natuto akong tanggapin na may mga taong dumadaan lang talaga para turuan tayong maging matatag. At noong masaya na ulit ako… Doon ka bumalik. Bigla kang nag-message. “Miss na kita.” “Pwede pa ba?” “Sorry sa lahat.” Habang binabasa ko yon, hindi ko alam kung maiiyak ba ako o matatawa. Kasi dati… Yan lang naman yung gusto kong marinig sayo. Pero dumating ka nang huli na ang lahat. Pagod na yung puso kong paulit-ulit mong sinaktan. Yung taong laging naghihintay sayo noon? Wala na. Yung taong handang patawarin ka kahit ilang beses mong lokohin? Napagod na. At sa unang pagkakataon… Ako naman yung piniling umalis. Tumingin ka sakin noon habang umiiyak. “Hindi mo na ba talaga ako mahal?” Ngumiti lang ako nang mahina. “Mahal pa siguro… pero hindi na sapat para bumalik.” Kasi minsan… Hindi sapat ang sorry. Hindi sapat ang pagsisisi. Dahil may mga pusong kapag napagod na nang sobra… Hindi na kayang maniwala ulit. At minsan, bago pa natin marealize yung halaga ng isang tao… Huli na ang lahat.

#bch #bitcoincash

Welcome to Broken Heart spacestr profile!

About Me

đź’šInvest In Your Futuređź’š

Interests

  • No interests listed.

Videos

Music

My store is coming soon!

Friends